
Napansin nyo na ba? Tuwing umaga, ang mga Bangaw sa gitna ng kalsada nakalutang sila. Sa pagitan ng ala singko hanggang ala siete ng umaga yun kadalasan. Simula nung bata pa ako at nasa elementarya pa lamang, napapansin ko na sila, ewan ko lang sa inyo kung napapansin nyo din sila. Nakalutang sila at parang natutulog, madami sila. Di ko alam ang ginagawa ng mga Bangaw na yun. Sinubukan ko silang hampasin pero nakakailag naman sila. Sa unang tingin parang tulog sila pero alerto sila sa realidad. Mababa lang ang lipad nila, abot kamay mo sila pag tumalon ka. Nagtataka lang naman ako, naisip ko lang bakit ganun sila pag umaga? Alam nyo ba kung bakit? Tulong naman dyan?
No comments:
Post a Comment